Mga Madalas Itanong

Mga Madalas Itanong

Mga Madalas Itanong sa Inceptial

Sa aling currency ako pwedeng magsagawa ng deposito?
Maaari kang magdeposito sa pamamagitan ng isa sa mga sumusunod na pananalapi: EUR, USD.
Naghahandog din kami ng opsyong magdeposito sa pamamagitan ng cryptocurrency (Bitcoin, Ripple, Stellar Lumens, Ethereum and Tether) na hatid ng aming tagapaglingkod na third-party, ang sistema ng pagbabayad ng Finrax.
Pwede ba akong magparehistro nang hindi nagdedeposito ng pondo?
Oo, pwede. Nagsasagawa ng deposito kapag gusto mo nang magsimulang makipag-trade.
Mayroon bang anumang minimum na halaga ng deposito?
Oo, at para maging mas espesipiko, ang minimum na deposito ay 250 (EUR, USD).
Secured ba ang aking transaksyon sa pagbabangko?
Oo, syempe naman. Sa kadahilanang ito, pinipili naming gumamit ng Secure Sockets Layer (SSL) na teknolohiya na may 128-bit encryption kaagapay ng mga firewall para matiyak ang pinakamataas na posibleng proteksyon para sa iyong mga transfer.
Anong mga paraan ng pagbabayad ang mayroon kayo?
Mayroon kaming iba't ibang paraan, sa pamamagitan ng ilang sistema ng elektronikong pagbabayad, kabilang ang Deposito gamit ang Credit/Debit Card (Visa/Mastercard) at mga wire transfer. Anumang pagbabayad na hiniling mo ay hindi gagawin hanggang sa matanggap ang lahat ng dokumento at ma-verify nang buo ang account.
Paano ako makakapagdeposito ng pera sa account ko?
Kapag nakapag-log in ka na sa account mo at nakumpleto nang tama ang proseso ng pagpaparehistro at pag-verify, i-click ang button na ‘Magdeposito’ at ilagay ang halagang gusto mong ideposito.
Anong mga specification ang kailangan ng computer ko para makapag-trade gamit ang Inceptial?
Itinuturing na gumagana ang isang computer kung mayroon ito ng mga sumusunod na feature: Explorer 8.0, Google Chrome 4.0 o Firefox 3.6. Baka kinakailangan ding mag-install ng Flash Player.
Pwede bang makipag-trade ang isa pang tao para sa akin, gamit ang account ko?
Tanging ang kliyente na gumagawa ng pagpaparehistro ang pwedeng makipag-trade.
Pinapatawan ba ng buwis ang mga tubo ko?
Nakadepende iyon sa regulasyon ng rehiyon o bansang tinitirhan mo.
Sino ang nagreregula sa inyo?
Pinapatakbo ang Inceptial ng Growth Capital, isang kumpanya ng pamumuhunan sa Republika ng Belarus, awtorisado at nireregula ng Pambansang Bangko ng Republika ng Belarus na may sertipiko bilang 19.
Pwede ba akong gumamit ng palayaw para magparehistro?
Para makumpirma ang tunay na pagkakakilanlan bilang may-ari ng account, kakailanganin mong ibigay ang iyong buong pangalan, tulad ng nakasaad sa iyong mga opisyal na dokumento.
Ano'ng dapat kong gawin kung magbago ang mga detalye ko?
I-update lang ang mga ito sa account mo o makipag-ugnayan sa aming support team para sa karagdagang tulong.
Paano ko matitingnan ang balanse ng account ko?
Makikita ang balanse ng account mo sa itaas ng page kapag naka-log in.
Pwede ko bang tingnan ang mga transaksyon ko sa pagpopondo?
Oo, pwede mong makita ang lahat ng iyong history ng transaksyon, kapag nag-log in ka sa trading account mo.
Anong uri ng leverage ang inaalok ninyo?
Ang maximum na available na leverage kapag nagte-trade gamit ang Inceptial ay 1:500*

*Nagbibigay ang Inceptial sa mga kliyente nito ng 3 leverage threshold, tulad ng mga sumusunod: Mga retail na kliyente – hanggang 1:100, Mga Kwalipikadong Kliyente – hanggang 1:200 at Mga Propesyonal na Kliyente – hanggang 1:500.
Paano ko malalaman ang mga Swap fee ninyo?
Tingnan ang mga Swap fee para sa lahat ng paborito mong asset sa page ng Mga Swap Fee.
Anong mga uri ng account ang inaalok ninyo?
Hanapin ang lahat ng available na account ng Inceptial sa seksyon na Mga Trading Account.
Paano ako magiging isang beripikadong kliyente?

Hihilingin namin ang mga sumusunod na pang-verify na dokumento:

  • Patunay ng ID – Padalhan kami ng larawan ng Dokumento ng Pagkakakilanlan, maaari itong maging alinman sa iyong pasaporte o ID card, na may high-resolution na litrato na nagpapakita ng mukha mo (kailangang nakikita ang magkabilang panig) o iyong lisensya sa pagmamaneho*.
  • Patunay ng tirahan – Ipadala ang mga sumusunod na dokumento para kumpirmahin ang iyong bansang tinitirhan: Bank o credit card statement at isang billing statement tulad ng bill ng internet, kuryente, council tax, tubig o telepono na hindi lalampas sa 6 na buwan.
  • Selfie na may kasamang litrato ng Dokumento ng Pagkakakilanlan o Liveness o Web-ID Check: Ang garantisadong beripikasyon ng liveness detection habang isinasagawa ang awtentikasyon ng gumagamit ay kinakailangan.
  • I-verify ang iyong paraan ng pagbabayad sa pamamagitan ng pagpapadala ng litrato ng iyong pambayad na card, pakitakpan ang CVV sa likod at ang unang 12 digit ng iyong credit card number sa harap.

*Hindi tinatanggap ang lisensya ng pagmamaneho pra sa mga residente ng Belarus

Kapag na-verify na ang account mo, siguraduhing naka-log in ka sa iyong account bago i-access ang page ng pagbabangko, at saka ang seksyon ng mga withdrawal.

Pwede ko bang i-reset ang password ko?
Oo, kapag nag-click ka sa button na Mag-log in, pindutin ang Nakalimutan ang password at pagkatapos ilagay ang email mo, makakatanggap ka ng email na may mga karagdagang tagubilin.
May pagkakaiba ba sa pagitan ng Live at Demo Account?
Oo, sa Demo account mo, pwede ka lang makipag-trade gamit ang virtual na pera, samantalang sa isang Live account, pwede kang makipag-trade gamit ang totoong pera.
Paano ako magla-log in sa account ko?
I-click lang ang button na Mag-log in, ilagay ang username at password mo at saka i-click ang button na ‘Mag-log in’.
Protektado ba ang pondo at mga personal na detalye ko?
Sa pamamagitan ng lahat ng legalidad, sumusunod kami sa isang mahigpit na pangregulatoryong balangkas na tinitiyak ang iyong proteksyon. Alamin pa ang mga detalye tungkol sa proteksyon ng iyong pondo. Ginagarantiyahan namin na ginawa ang lahat ng kinakailangang pag-iingat para mapanatiling ligtas ang impormasyon mo. Matuto pa tungkol sa aming Patakaran sa Privacy.
Paano ako mag-a-apply para sa isang withdrawal?
Kapag nag-sign in ka sa iyong account, pwede mong sundin ang mga tagubilin sa page ng withdrawal sa Client Area.
Gaano katagal ang inaabot para ma-withdraw ang pera ko?
Karaniwang tumatagal nang hanggang 10 araw ng negosyo at nakadepende rin ito sa bangkong ginagamit mo.
Ano ang maximum na halaga ng withdrawal na pinapayagan?
Pwede mong i-withdraw ang lahat ng iyong available na pondo mula sa account mo, maliban sa pondo na kasalukuyang ginagamit sa mga nakabukas na transaksyon.
Ano ang minimum na halaga ng withdrawal na pinapayagan?
Ang minimum na halaga ng withdrawal ay $50 para sa isang Credit Card at $100 para sa mga Deposito gamit ang Wire Transfer. Anumang pagbabayad na hiniling mo ay hindi gagawin hanggang sa matanggap ang lahat ng dokumento at ma-verify nang buo ang account.
Pwede ko bang kanselahin ang isang withdrawal?
Oo, pwede kung hindi pa napoproseso ang transfer.